Pormal ng binuksan ang unang araw ng Division Schools’ Press Conference- City of Ilagan ngayong araw May, 1, 2023 sa Santa Isabel National High School, Santa Isabel, Ilagan City Isabela.

Humigit kumulang 700 plus na mag-aaral mula sa Elementary at Secondary level, private at public mula Ilagan ang lumahok sa nasabing patimpalak.

Hinati sila sa sampung clusters at magtatagisan ng galing sa pagsulat at paggawa ng mga balita.

Ayon kay Nelia Mabuti, Assistant Schools’ Division Superintendent, kinakailangan nila umanong hikayatin pa ang mga batang manunulat na maglathala ng mga makabuluhang kwento at balita upang makalahok muli sa Regional Press Conference na gaganapin sa Lal-lo, Cagayan sa May 19 hanggang May 21.

Hindi naman siya nawalan ng pag-asa at kumpiyansang muling makapagdadala ang kanilang siyudad ng mga delegado sa National Press Conference.

Present din sa presidential table ang ilan sa mga kilala at batikang mamamahayag sa industriya particular sa rehiyon dos tulad nina GMA Stringer Villamor Visaya, retired Education program in English of SDO Isabela Arturo Nano at Marieta Lozada retired principal ng Isabela National High School. Sila ang magsisilbing contest evaluators para sa mga piling field ng Division Schools Press Conference.

Nag-iwan naman ng mapanghamong mensahe si Jose Alfonso Anez, Best Anchor ng NSPC 2017 at pangunahing guest speaker ng event sa mga bata at sinabing kailan nilang tumindig dahil sila ang taga-pagdala ng katotohanan sa lipunan.

“There has to be a courier of truth. And to be the courier of truth, one should communicate properly.” Dagdag pa niya.

Nagsimula naman na ang paggulong ng ibang contest pagkatapos ng opening program kaninang umaga. Magtatagal ng tatlong araw ang DSPC at magtatapos sa May 3, 2023 para naman sa paggawad ng mga parangal sa mga mananalong mag-aaral.

Ulat ni Lemar Torres, Trainee