DAHIL sa kanyang tulong at suporta sa bayan ng Tumauini sa Isabela, itinanghal si Senador Lito Lapid bilang ‘adopted son’ ng pamahalaang lokal kamakalawa.
Inihayag ni Mayor Venus Bautista sa panayam ng mga kasapi ng media na ito ay bilang pagbibigay-pugay at pasalamat ng Tumauini kay Senador Lapid dahil sa kontribusyon niya sa pag-unlad ng bayan kaugnay sa mga inilaang mga proyekto.
Ayon pay kay Mayor Bautista, nakatulong rin sa mga proyektong farm-to-market roads at concreting ng mga barangay roads ang senador.
Natuwa at nagpasalamat naman ang senador sa pagbibigay-pugay at sinabing lalo pa nitong pag-iigihan ang pagtulong sa Tumauini na may 46 na mga barangay.
Una nang naglaan ng P16-milyon ang tanggapan ni Lapid para sa Rodolfo B. Albano Astrodome maliban pa sa bagong Legislative Building sa bayan ng Tumauini.#