Patay ang isang senior citizen na lolo matapos itong mabangga sa barikada at araruhin ang mga nakaparadang traysikel at motorsiklo sa Brgy. La Suerte, Amulung, Cagayan.
Ang biktima ay kinilalang si Alyas Erwin, 75-anyos, mula sa Nueva Vizcaya. Namasyal lang umano sa nabanggit na lugar ang biktima kasama ang apat na iba pa ng mangyari ang aksidente.
Ayon sa pagsisiyasat ng mga otoridad, binabagtas ng biktima ang kahabaan ng pambansang lansangan patungong hilagang direksyon ng mawalan ito ng kontrol sa manibela na naging dahilan upang bumangga ito sa bakal na barikada.
Dahil sa lakas ng impak, dumiretso sasakyan sa kasalungat na bahangi ng kalsada dahilan upang bumangga muli sa nakaparadang traysikel at motorsiklo. Hindi umano gumana ang airbag ng SUV na minamaneho ng suspek kaya nauntog ang ulo nito sa manibela ng sasakyan.
Agad isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival ng sumuring doctor.
Samantala, nakaligtas naman ang apat na pasaherong kasama ng biktima.#