GO+99 Digi-Launch.

Ulat ni VILLAMOR C. VISAYA JR., Philippine Daily Inquirer News Correspondent/Balitang Hilaga Publisher-Editor

Namamayagpag ang bagong promo app ng kumpanyang Globe na Go+99 lalo na sa mga kabataan at iba pa.

Sa digi-launch kamakailan, ibinida ni Jem Almario, Globe Telecoms, Inc. Trade Marketing Manager-Baguio, ang mga serbisyong hatid ng bago at pinalakas na promo gaya ng open-access data, unlimited calls and texts, at mas mataas na gigabytes sa mga content apps, GoSAVE, o GoHEALTH.

Sa mga kabataang nais na maalagaan ang kalusugan at mag-ipon, malaking tulong daw ito lalo pa at ang promo sa mga subscribers ay magagamit gaya ng GoHEALTH na may libreng konsultasyon at HealthNow discount vouchers.

Palasak pa rin daw ang mga serbisyo at iba pang mga tulong sa kalusugan, pag-iipon at nakaka-aliw na mga  apps na hatid ng naturang promo.

“These life-enabling services would be accessible with the improved app,” dagdag niya.

 Sa GoSAVE naman, ang mga may-ari ng prepaid na SIM ay puwedeng gumamit raw ng GCash Credits feature ng app sa pamamagitan ng pagpili ng promo na nais nilang irehistro gaya ng GO+99 at makakauha sila ng mga GCash Credits na maaaring ideposito sa kanilang GSave account.

Umaasa ang pamunuan ng Globe na tatangkilikin ang Go+99 promo dahil sa mga bago at napapanahon nitong mga serbisyo.#