Mataas pa rin ang presyo ng mga panindang itlog sa ilang pamilihan sa Isabela dahil sa shortage.
Ayon sa nagtitindang si Rita Taquiqui, may nararanasan umano silang shortage sa supply ng naturang produkto na siya namang nakaaapekto sa presyo nito.
Kasalukuyang naglalaro sa P7 hanggang P8 kada piraso ang small at medium size na itlog. P9 at P10 naman para sa mga may katamtamang laki.
Umaabot naman na sa P210 ang isang tray ng pinakamurang itlog at P250 naman para sa XL.Asahan raw na magbabago pa presyo ng mga ito kung magpapatuloy ang kawalan ng sapat na supply ng naturang produkto.#