Ulat ni Villamor Visaya Jr./Philippine Daily Inquirer News Correspondent/GMA7 News Stringer
TUGUEGARAO CITY- Ibinandera ng pride ng Cagayan na si singer-songwriter Ruth Lee Resuello sa Wish Bus, dala-dala ang Kanyang mga orihinal na awitin na ” Chase the Sky ( Makkagak Itta Duwa) at ” Malay mo ” na itinampok ng kanyang sariling kumpanya na Northern Root Records.
Bilang isa sa mga sumisikat na singer-songwriter, nagpapasalamat si Ruth sa pagtangkilik sa kanyang pagbibigay-boses sa Hilagang Luzon na nagsusulong ng orihinal na musikang Pilipino.
Si Ruth ay anak ng nanalong Vice Mayor na si Pastor Resuello ng Tuguegarao City, at isa siyang rehistradong parmasyutiko at kasalukuyang part-time na pharmacology teacher sa St. Paul University Philippines. Isa rin siyang board exam lecturer, na nagtapos ng Doctor of Pharmacy with Distinction sa Centro Escolar University.
Nagtuturo rin siya ng libre sa mga mag aaral para sa kanilang board exams. Nagsasanay din siya ng mga bata sa kanilang simbahan upang maging bahagi ng kanilang music team.
Noong pre-pandemya ng COVID-19 na ipinatupad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na lahat ng nag-enroll sa mga state universities ay kailangang sumailalim sa drug testing, inorganisa ni Ruth ang pamamahagi ng 1000 drug testing kits at mga aktibidad sa drug testing sa CSU Andrews Campus katuwang ang DOH, Victory Tuguegarao, at ang kanyang ama na si Pastor Ross.
Bukod dito nag organisa din siya ng fundraising gamit ang isang orihinal na inspirational album na “Anthem of Hope” sa panahon ng Bagyong Ulysses at nakalikom siya ng halos 350,000 piso at lahat ng ito ay ipinamahagi niya sa mga apektadong pamilya.
Isang magaling at propesyonal na musikero at recording artist si Ruth, isa siya sa iilan na may dugong Cagayano na sumisikat ngayon. Nanalo din siya sa nation-wide music writing at production contest na inorganisa ng CCP noong 2021 bilang miyembro ng musical duo na Letrang Norte.
Ang kanyang winning song na Tahanan ay hinirang din sa 34th Awit Awards bilang Best World Music Recording, kasama sina Ben&Ben, Kz Tandingan at Sitti Navarro.
Bilang solo artist, S1K4M1, ang kanyang adbokasiya ay itaguyod ang apat na lokal na wika ng hilagang Pilipinas na Pangasinan, Ibanag, Ilocano at Itawes at gumagawa siya ng mga kanta gamit ang mga wikang ito.
Siya din ang kauna-unahang Cagayano music artist na na-feature sa isang billboard sa New York City. Ang kanyang discography: self-titled act, SIK4M1, Letrang Norte, ay may malawak na ring follow at reach sa Spotify.
Nakakuha din si Ruth ng limang nominasyon para sa Awit Awards.#