ABALA ang mga kasapi ng Social Security System sa paghahatid ng mga pinal na sulat sa mga delingkuwenteng mga employer na kung saan ay siyam ang nasampolan kanina (March 27) sa City of Ilagan na may pagkakautang na abot sa halos isang milyong piso. (Larawang kuha ni GIDEON VISAYA/BH)

Siyam na mga delingkwenteng mga employers, binigyan ng ultimatum sa mga sulat na ibinigay kanina sa mga business establishments sa SSS Run Against Contribution Evaders (RACE) sa City of Ilagan, Isabela kamakailan, Marso 27.

Ang siyam na mga may-ari ng bisnes ay may halos isang milyong piso na di-bayad na principal at penalties na naitala sa SSS-Ilagan.

Inihayag ni Atty. Vicente Sol Cuenca, Department Manager III ng Social Security System-Luzon North 2 Legal Department na may 15-araw lamang ang mga binisitang mga employer ng mga bisnes at kapag hindi sila nagbayad ay kakasuhan na sila sa pamamagitan ng legal department ng ahensiya.

May anim na buwan lamang na condonation period sa mga penalties para sa mga nag-comply sa mga huling abiso mula sa SSS at dahil nalugi ang kumpanya, dagdag pa ng abogado ng ahensiya.#