Ulat  ni BOBBY DAGUIO

Nauwi sa barilan ang pag-raid sa tupada  at siyam katao ang nadakip sa Sitio Disiguit, Brgy. Gangalan, San Mariano, Isabela.

Natamaan ng bala ng baril sa balikat si Randy Talosig, 33-anyos na magsasaka sa Barangay Binatug at isa sa mga dinakip. Dinala siya sa San Mariano Community Hospital para magamot.

Maliban kay Talosig, dinakip din sina Vicente Cristobal, Mario Bala, Reymark Agustin, Randy Bulan, Marcial Antonio, Edito Fernandez, Leomar Antonio at Domingo Paguiriguan.

Ang unang putok ng baril raw ay galing sa mga tumakas na abot sa 20 katao kaya gumanti ng putok ang mga pulis.

Nasamsam sa lugar ang walong panabong na manok; P5,016 bet money; 17 piraso ng mga tari at anim na mga motorsiklo.   Sinampahan na kamakailan sa piskalya ang mga salarin dahil sa paglabag sa illegal gambling law o RA 9287.#