ABALA ang mga pensioner ng Social Security System sa Happy Pensioners' Day na ginanap sa capitol amphitheatre sa City of Ilagan ngayong araw, September 12. (VILL GIDEON VISAYA)

Ulat nina Gideon Visaya at Keith Senica

CITY OF ILAGAN, Isabela-Nakiisa ang mahigit 200 na mga pensiyonado ng Social Security System (SSS), sa isinagawang pagdiriwang ngayong araw, ika-12 ng Setyembre ang Happy Pensioners’ Day sa Capitol Amphitheater dito.

‎Sa pamumuno ng Social Security System (SSS) Ilagan Branch at ang SSS Luzon North 2 Division, masayang naki-bonding ang mga

‎pensioners mula sa bayan ng  Ilagan, Divilacan, Santo Tomas, Tumauini, Santa Maria, San Pablo, at Delfin Albano.

‎Pinasalamatan ni Jesus Gonzales, Branch Head ng SSS Ilagan, ang mga pensiyonado dahil sa naging ambag nila sa lipunan.

Ibinahagi naman ni Atty. Vic Byron Fernandez, Concurrent Acting Head ng SSS Luzon North Division, ang mga programa ng tanggapan gaya ng pautang sa mga pensiyonadk at pagtaas ng pensyon.

Ibinahagi niya na sampung porsiyento kada taon ang itataas para sa mga nagretirong pensiyonado habang limang porsiyento kada taon naman para sa mga death o survivor pensioners.#