Larawan kuha ni GIDEON VISAYA

Ulat ng BH Team/GIDEON VISAYA

Wasak ang bahagi ng isang SUV nang bumagsak sa malalim na gilid ng kalsada matapos bumangga sa motorsiklo sa Gamu, Isabela ng pasado-alas dose ng tanghali, Agosto 28.

Tinangka raw na iwasan ni Nigel Gabat, drayber at may-ari ng SUV na Fortuner, ang motorsiklong minaneho ng isang nagngangalang Gerald na biglang pahinto na umano at nakasalubong niya sa gitna ng kalsada.

Una rito, iniwasan raw ni Gabat ang isang kolong-kolong na biglaang tumawid sa kalsada kaya napunta ito sa kabilang linya at sakto naman ang dating ng motorsiklo. Parehong bahagyang nasugatan lamang ang drayber ng dalawang sasakyan.

Nakatalon ang drayber ng motorsiklo habang nasugatan sa loob ng sasakyan si Gabat.

Inareglo na sa pulisya ang kaso.#