Photo courtesy: OCD-Cordillera

Tatlong magkakapatid na bata patay sa nangyaring landslide sa Lalawigan ng Benguet. Sa ulat ng Office of the Civil Defense (OCD) Cordillera, ang magkakapatid ay nasawi matapos matabunan ng lupa sa Ambiong, La Trinidad, Benguet. Dalawa rin ang nasawi sa magkahiwalay na pagguho ng lupa sa Barangay Tuding at Ampucao Itogon, Benguet. Isang lolo kasama ang dalawang apo naman ang nawawala matapos matabunan ng lupa sa Dominican Mirador, Baguio City. Tatlo pa ang naitalang sugatan sa Benguet at Baguio City.

Source:OCD-Cordillera