Tupok ang mga bahay na ito sa sunog sa Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya. (LGU-NV)

Ulat  ni  LARRY LORENZO

Humihingi ngayon ng tulong ang mga pamilya ng tatlong bahay na nasunog kamakailan sa bulubunduking bahagi ng Barangay Cawayan, Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya.

Ayon sa mga opisyal ng barangay, humihingi ng tulong ang pamilya lalo pa at dahil sa layo ay hindi napuntahan ng BFP at walang naisalbang mga gamit ang mga pamilya kaya tupok lahat.

Sa impormasyon ng barangay, apat na mga pamilya ang naging biktima ng sunog.

Humihingi ng tulong gaya ng yero at pako, damit para sa mga bata at matatanda, hygiene kits, food packs at iba pa na maaaring ibigay sa kanila.#