Courtesy of NIA-MARIIS

Ulat ng BH Team

Nagbukas ang Magat Dam ng tatlong spillway gates simula kaninang alas-onse ngayong araw ng Lunes, September 22, 2025. Una nang dalawa lamang ang bukas kaninang alas nuebe ng umaga.

May kabuuang anim na metro na humigit kumulang 1032 cubic meters per second (cms) ang pinapakawalang tubig bilang paghahanda sa malakas na pag-ulan na dala ng Bagyong Nando.

Dahail dito, pinapayuhan ang mga residente sa mga mabababang lugar na maging alerto at magsagawa ng mga kinakailangang pag-iingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.#