Isang tindahan ang nilooban sa Barangay Annafunan, Echague, Isabela at nasapul sa CCTV ng may-ari ng tindahan.
Sa ulat sa pulisya ng may-ari ng tindahan na si Marbie Dalupang, bandang 12:22 ng madaling araw ng June 3 nang sirain ng kawatan ang tindahan at nakawin ang pera sa loob.
Hindi na binanggit pa ang halaga ng pera na nanakaw ngunit kuha sa CCTV ang kanyang ginawang pangbabaklas ng lock ng tindahan.
“Ilang araw na din na tahol ng tahol ang mga aso dito sa amin at sa tingin namin ay may ilang araw na din na pa ali-aligid ang magnanakaw na ito. Kompleto din ang kanyang gamit na pang-baklas at muhkang dati nya na itong gawain. Tinangay sa amin ang aming pinagbentahan na pera,” ayon kay Dalupang.
Nakita ang lalake na may tattoo sa magkabilang braso at leeg at may getaway vehicle pa raw ito.
Nanawagan ang pulisya na ipagbigay-alam sa kanila kapag may naispatang mga kawatan gaya sa nangyari sa tindahan ng pamilya Dalupang.#