Ulat ng BH Team
Toneladang mga talong at sili, inani at pinamigay sa mga nabaha ng nakaraang bagyong Crising sa Tuguegarao City ngayong araw, July 25.
Dahil sa pangamba na masisira ito ng bagyong Emong at ng Habagat, inani na ito ngayong araw at tonelada na mga talong at sili ang naani ng City Agriculture Office sa kanilang taniman sa Urban Edible Garden sa likod ng pamahalaaang lungsod ng Tuguegarao.
Ayon kay Evangeline Calubaquib, hepe ng City Agriculture Office ng lungsod, mas mabuti nang maani at maipamigay agad ng libre para mapakinabangan pa ng mga nasalanta ng nakaraang pagbaha sa lungsod lalo na sa bahagi ng riverside aat iba pang bahain na parte sa lugar.#