TUGUEGARAO CITY – Makalipas ang isang taon, natukoy at naaresto na ang suspek sa pagpatay sa 47-anyos na magsasaka na ibinaon sa bulubundukinng bahagi ng Barangay Basao, Gattartan, Cagayan.
Kinilala ang suspek na si Fernando Victorio, 39-anyos, tubong Barangay Sta. Barbara, Iguig, Cagayan ngunitkasalukuyang naninirahan sa Brgy Centro 3, Lasam, Cagayan. Si Victorio ay tinaguriang Top 3 Most Wanted Person sa Rehiyon Dos. Samatala, ang biktima ay kinilalang si Dante Manuel at residente ng Sitio Padungsol, Barangay Basao, Gattaran, Cagayan.
October 6, 2021 nang dumulog sa tanggapan ng Gattaran Police Station ang kapatid ng biktima at iniulatna nawawala ang huli. Nakatanggap naman ng impormasyon ang mga otoridad kaugnay sa kung saanhuling namataan maging ang mga huling nakasama ng biktima. Napag-alamang nakipag-inuman si Manuel kasama ang tatlong indibidwal na kinabibilangan ng suspek na si Victorio. Nagkaroon umano ng pagtataloang dalawa at nauwi sa pananaksak na naging sanhi ng pagkamatay ng biktima.
Dinala umano ng mga suspek ang bangkay ng biktima samabundok na bahagi Basao, Gattaran at doon ibinaonang labi nito. Nauna nang naaresto nitong Hulyo ang suspek na siPatrick Victorio, 35-anyos at residente ng Barangay Sta. Barbara, Iguig, Cagayan; samantalang patuloy pa ring tinutugis ng mga awtoridad ang isa pang sangkot sakrimen na si Melbert Macabangon, 29-anyos at residenteng Barangay Centro 3, Lasam, Cagayan.
Ang suspek na si Fernando Victorio ay kasalukuyangnakapiit sa Gattaran Police Station at nahaharap sakasong Murder at walang inirekomendang piyansa. # (PNP-Region 2 PR)