By: BH Team

Sa gitna ng mga palakpak, nagpasalamat si Diana Joy Viloria matapos maging Top 7 sa buong bansa sa ipinalabas na resulta kamakailan (Dec.13) ng isinagawang September 2024 Licensure Examination for Professional Teachers.

Nakakuha si Diana Joy ng 92.80-percent na rating.

Binigyan rin si Diana Joy ng P25,000 na financial incentive at sertipiko ng pagkilala dahil sa kanyang pagiging topnotcher.

Nakapagtala ng 92.53-percent Institutional Passing Rate para sa Elementary Level Education ang CSU, kumpara sa 45.51% national passing rate.  Habang 90.94% naman ang kabuuang nakapasa para sa Secondary Level Education, kumpara sa 56.88% national passing rate.

Binati ni CSU OIC President Arthur Ibanez ang tagumpay na nakamit ng kanilang mga mag-aaral, gayundin ang masigasig na pagtuturo ng mga propesor sa kanilang mga kolehiyo.#