CAMP MARCELO ADDURU, Tuguegarao City, Cagayan- Pinaigting ng kapulisan ang kampanya kontra Oplan Manhunt Charlie at nadakip ang isang lalake sa kasong paglabag sa pagbebenta umano ng droga sa Brgy. San Fabian, Echague, Isabela bandang 10:30 ng umaga, kahapon, Agosto 22, taong kasalukuyan.
Batay sa report ng Echague PS kay PRO2 Acting Regional Director, Police Brig. Gen. Christopher Birung, nadakip ang wanted person na kinilalang si alias Maleck (Top 9 Provincial Level), 30 taong gulang, walang trabaho at residente ng barangay Sinamar, San Mateo, Isabela sa Bisa ng Mandamiento De Aresto sa kasong paglabag ng RA 9165 na pinalabas ni Hon. Michelle Gumpal Videz, Presiding Judge, RTC Branch 24, Echague, Isabela.
Ang suspek ay nasa kustodiya ng Echague PS para sa kaukulang imbestigasyon, dokumentasyon at tamang disposisyon at mahaharap sa kasong paglabag RA 9165. Samantala, pinuri naman ni Direktor Birung ang mga operatiba na nagsagawa ng operasyon na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek.