DINAKIP ng mga pulis ang isang lalaki na itinuturing na Top 9 Most Wanted Person sa Lambak ng Cagayan dahil sa mga kinakaharap na krimen.
Kinilala ang suspek sa alyas “Empleo” na matagal nang nagtatago sa batas dahil sa mga kasong Attempted Rape at dalawang bilang ng kasong Statutory Rape.
Nasakote ang suspek ng pinasagsanib na pwersa ng mga otoridad sa pangunguna ng San Manuel Police Station katuwang ang Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), at iba pang hanay ng kapulisan dakong 1:30 ng tanghali ngayong araw, Enero 9, 2025 sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ng hukom ng RTC, Branch 23, Roxas, Isabela.
Nasa Php120,000 ang piyansa na inilaan para sa kaso nitong Attempted Rape para sa kanyang pansamantalang paglaya habang wala namang piyansa ang kanyang kasong Statutory Rape.
Ang suspek ay kasalukuyan nang nasa pangangalaga ng San Manuel PNP para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.#