Inagurasyon ng Tourism Road Infrastructure Project (TRIP)

Ulat mula sa PLGU-Quirino

Pinasinayaan ang Tourism Road Infrastructure Project (TRIP) noong Huwebes, July 7, 2022 sa Baguio Village, Diffun.

Kasama sa inauguration sina Governor Dax Cua, PCSO Chairperson Junie E. Cua at iba pang mga opisyal at bisita.

Madadaanan ang Tourism Road papunta sa mga sikat na tourist attractions; Ganano Falls at Batumbaket. Layunin ng proyektong na mapaganda ang mga tourism roads upang mas mapadali at ligtas ang daan papunta sa mga tourist destinations.

Naganap din ang isang Ceremonial Bamboo Planting sa nasabing lugar na magiging lokasyon ng Bamboo Forest Park. Nagkaroon din ng consultation meeting si Gov. Dax kasama ang mga officers at members ng Baguio Village Multi-Cooperative. #