Ulat ng BH Team
Trak, nahulog sa bangin sa Tinoc national road ng Barangay Taaw, Tinoc, Ifugao sanhi ng madulas na kalsada dahil sa pag-uulan kaninang alas-singko ng hapon, Hulyo 25.
Matapos malaman ang pangyayari, agad na rumesponde ang mga rescuers at natanggal sa loob ng trak ang drayber na agad itinakbo sa Tinoc District Hospital.
Natapon din ang karga ng trak na mga sako-sakong feeds. Inaalam pa ang karagdagang impormasyon.#