Patay ang isang lalaking rider matapos araruhin ng isang ten-wheeler na truck ang pitong sasakyan at dalawang motorskilo sa Marcos Highway sa Tuba, Benguet ngayong Sabado, March 22.
Ayon sa Tuba Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office #MDRRMO, nawalan ng preno ang truck at sumalpok sa kasunod na motorsiklo at mga nakaparadang sasakyan.
Dinala sa Baguio General Hospital and Medical Center ang mga sugatan.
Hawak na ng mga pulis ang driver ng truck. Patuloy ang imbestigasyon sa aksidente.