Courtesy: PDEA Region 2

Arestado ang isang tricycle driver matapos itong mag positibo sa isinagawang entrapment operation sa Brgy. Salvacion, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek na si alyas “Archie” na itinuturing bilang isang high-value target (HVT) drug personality ng mga otoridad.

Nakumpiska mula sa suspek ang 35 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na Php238,000.00 at buy-bust money.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Bayombong PNP ang suspek at mahaharap ito sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.#