Kusang sumuko sa mga otoridad ang isang 22-anyos na tricycle driver na may kasong Serious Physical Injury sa Peñablanca, Cagayan.
Ang suspek ay kinilalang si alyas “JM” 22-anyos, binata, tricycle driver at residente sa bayan ng Iguig, Cagayan.
Ang warrant of arrest ng suspek para sa kasong Serious Physical Injury ay inisyu noong Marso 19, 2025 at may inirekumendang piyansa na nagkakahalaga ng Php 36,000.00 para sa kanyang pansamantalang Kalayaan.
Sa ngayong ay nasa kustodiya ng Peñablanca Police Station ang suspek habang hinihintay ang paglilipat sakanya sa korteng kinauukulan.
Samantala, hinihikayat naman ng mga otoridad ang iba pang may warrant of arrest na sumuko na upang maiwasan mga anumang kaguluhan.#