Larawan kuha ni GIDEON VISAYA

Ulat ng BH Team/Gideon Visaya

TUGUEGARAO CITY-Nagpasikatan, nagpabonggahan at pinagara ang mga traysikel sa Trike Show bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pavvurulun Afi Festival 2025 dito sa lungsod kamakalawa.

Ipinakita ng mga tricycle drivers at operators ang kanilang malikhaing galing sa pagdekorasyon at pagpapaganda ng kani-kanilang mga tricycle.

Ang iba nga, mag wheels pa at stainless ang mga accessories, bagong pinta, may telebisyon pa ang isa, at ang pinakaimportante, ayon sa mga hurado, ay ang road worthiness ng mga ito.

Isa raw itong simbolo ng pagmamahal sa kanilang hanapbuhay sa naturang pagpapaganda ng kanilang mga traysikel.

Pinuri ng mga pinuno ng siyudad ang mga traysikel drivers at operators dahil sa pagpapahalaga, inspirasyon at respeto sa kanilang hanapbuhay.#