Ngayong araw ay nasa 70 na ang aktibong kaso sa lungsod kung saan bahagya itong bumaba kumpara sa 73 na aktibong kaso kahapon.

Sa datos na mula sa City Health Office, 3 ang naidagdag na bagong kaso. 6 naman ang bilang ng mga naka-recover at walang naitalang nasawi.

Bagama’t bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa ating siyudad, mariin pa ring pinaaalalahan ang lahat na sumunod sa itinakdang guidelines sa ilalim ng GCQ status with Heightened Restrictions. Patuloy pa rin na obserbahan ang minimum health standards sa lahat ng oras.#