Ngayong araw ay nasa 71 na ang aktibong kaso sa lungsod kumpara sa bilang na 70 kahapon. Sa datos na mula sa City Health Office, 7 ang naidagdag na bagong kaso at walang re-exposed habang 6 ang bilang ng mga naka-recover at walang naitalang nasawi.

Bagama’t bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa ating siyudad, mariin pa ring pinaaalalahan ang lahat na sumunod sa itinakdang guidelines sa ilalim ng ALERT LEVEL 2. Patuloy pa rin na obserbahan ang minimum health standards sa lahat ng oras.#