Bilang ng aktibong kaso sa lungsod ng Tuguegarao, bahagyang bumaba.
Ngayong araw ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ay nasa 783. Mataas pa rin ang naitalang bilang ng panibagong kaso na nasa 70 kasama ang 9 na re-exposure, habang 109 naman ang nakarekover mula sa sakit. Nakakabahala pa rin ang 6 na indibidwal na nasawi ngayong araw.
Mariing pinapaalalahanan ang ating mga kababayan na sumunod sa ating minimum health standards upang makatulong sa pag-iwas sa community transmission. Kung may nararamdaman na sintomas o may exposure sa nag positibo sa sakit ay agad na mag isolate at ireport sa BHERTS o sa Bayanihan Helplines.
Pinaiigting ang pag-iingat lalo na at nasa lungsod na ang Delta Variant. Ito ay mas mabagsik, mas madaling kumalat at mas nakakamamatay ayon sa mga experto.
Hinihikayat din natin ang ating mga kababayan na magparehistro at magpabakuna kontra sa COVID-19 pagdating ng tamang schedule para sa mga grupong ating kinabibilangan.