Bilang ng aktibong kaso sa lungsod ng Tuguegarao, bahagyang bumaba.
Ngayong araw ay bahagyang bumaba ang kaso ng COVID-19 sa lungsod at ito’y nasa 932 na. Mataas pa rin ang naitalang bilang ng panibagong kaso ngayong araw na nasa 72 kasama ang 19 na re-exposure, habang 84 naman ang nakarekover mula sa sakit. Nakakabahala pa rin ang 6 na indibidwal na nasawi ngayong araw.
Mariing pinapaalalahanan ang ating mga kababayan na sumunod sa ating minimum health standards upang makatulong sa pag-iwas sa community transmission. Kung may nararamdaman na sintomas o may exposure sa taong may covid agad mag isolate at ireport sa BHERTS o sa Bayanihan Helplines.
Pinaiigting ang pag-iingat lalo na at nasa rehiyong dos na ang Delta Variant. Ito ay mas mabagsik, mas madaling kumalat at mas nakakamamatay ayon sa mga experto.
Hinihikayat din natin ang ating mga kababayan na magparehistro at magpabakuna kontra sa COVID-19 pagdating ng tamang schedule para sa mga grupong ating kinabibilangan.