TUGUEGARAO CITY-Pormal na nag-take-oath si Mayor Maila Ting-Que bilang kauna-unahang mayor ng siyudad sa harap ni Municipal Trial Court in Cities (MTCC) Judge Rene Baculi kanina, June 30. Una na rin siyang nag-take oath kamakailan sa harap ni Gobernador Manuel Mamba.Nakakuha noong eleksyon ng 39,919 na boto si Que laban kay outgoing mayor Jefferson Soriano na may 37,552 votes. Bigo si Soriano sa kanyang pang-apat na pagtatangka matapos ang tatlong sunod-sunod na panalo. Aniya, may voluntary interruption of service noong sinuspinde siya sa unang termino niya dahil sa paratang ng graft.Si Que ay anak ng namayapang si Delfin TIng na naging mayor noong 2007 hanggang 2013. Si Que ay ex-officio board member at city councilor.Plano raw niya na tutukan ang agrikultura, edukasyon, kabataan, at serbisyong sosyal.Kasama ni Que na nanumpa sina re-elected vice-mayor Bienvenido “Ben-Ben” de Guzman at councilors Mark Angelo Dayag, Charo Soriano, Ronald Ortiz, Marjorie Martin-Chan, Claire Callangan, Tirso Mangada, and Karina Gauani. Hindi nakadalo sina elected councilors Jude Bayona at Gilbert Labang.#