UImapaw na tulay courtesy of MDRRMO Alfonso Castaneda, Nueva Vizcaya

Ulat ni Villamor Visaya Jr

Tulay sa Alfonso Castaneda, Nueva Vizcaya, di-madaanan dahil sa pag-apaw ng tubig sa ilog sanhi ng pag-uulan na dulot ng Habagat.

Umapaw ang tubig sa ilog sa overflow bridge ng Diogan sa Barangay Abuyo, Alfonso Castaneda, Nueva Vizcaya dahil sa pag-uulan na dulot ng Habagat.

Dahil dito, pinayuhan ang mga motorista na huwag munang tumawid at dumaan pansamantala sa mga alternatibong ruta habang delikado pa na tawiran ang tulay.#