Home News Tulay sa Isabela, isinara dahil sa Pagbaha

Tulay sa Isabela, isinara dahil sa Pagbaha

0
264
Photo Courtesy: MDRRMO Benito Soliven

Isinara ngayong umaga (Pebrero 21) ang Maluno Overflow Bridge sa Benito Soliven, Isabela matapos umapaw ang ilog dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng shearline at pagpapakawala ng tubig mula sa Magat Dam.

Dahil sa baha, pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa alternatibong ruta, habang mahigpit ding ipinagbabawal ang paggamit ng bangka sa lugar dahil sa malakas na agos ng tubig.

Upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, nakaantabay ang mga rescuer at kapulisan upang pigilan ang sinumang magtatangkang tumawid sa tulay sa kabila ng panganib. #