Home News Unang matagumpay na operasyon sa coronary angiogram, isinagawa

Unang matagumpay na operasyon sa coronary angiogram, isinagawa

0
149
Photo Courtesy: CVMC Internal Medicine

Ulat ni Mylaruth Ballinan, Trainee

TUGUEGARAO CITY – Matagumpay na naisagawa ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) katuwang ang mga doktor sa St. Paul Hospital ang kanilang kauna-unahang coronary angiogram noong Pebrero 14 sa isang 59-anyos na babaeng pasyenteng may matinding aortic stenosis.

Walang naging komplikasyon sa proseso, patunay na patuloy na umuunlad ang serbisyong pang-cardiovascular sa rehiyon. Kabilang sa mga eksperto sa operasyon sina Dr. Wilzon Manuela, Dr. JC Valencia, Dr. Ma. Christy Babaran, at Dr. Terrence Cuezon.

Suportado nina CVMC Medical Center Chief Dr. Cherry Lou Antonio at Chief Medical Professional Staff II Dr. Stanley Agor, ang tagumpay ng operasyong ito ay nagpapakita ng mas pinaigting na pangako ng CVMC at St. Paul Hospital sa pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan sa Cagayan Valley.#