Larawan kuha ni Via Hannah A. Visaya

Ulat ni VIA HANNAH  A. VISAYA

CITY OF CAUAYAN, Isabela-Nakatakdang bubuksan na sa publiko sa Mayo 27 sa SM City Cauayan ang kauna-unahang UNIQLO store  sa lalawigan ng  Isabela.

Ihahatid raw ng kumpanya ang mga de-kalidad, simple at komportableng mga damit na paninda sa lalawigan. Ibinida ito ng mga modelo sa pre-opening talk at tour kahapon, Mayo 25.

Ang sikat na UNIQLO o Unique Clothing ay isang  clothing apparel company na una nang nabuo sa Yamaguchi, Japan noong 1949.

Mayroon itong 2,200 sangay sa buong mundo mula sa iba’t ibang mga bansa kabilang ang Japan at Pilipinas. Nakapagtala ang kumpanya nito na Fast Retailing Co., Ltd. ng 2.01-trilyon yen na kabuuang kita noong 2020.#