WASAK ang Van na ito makaraang bumangga sa poste sa Tabuk City. (Larawan mula kay Heraldo Caddumlay)

Ulat  ni  BOBBY DAGUIO

Wasak ang isang puting van nang sumalpok ito sa isang poste at naipit ang drayber nito nang madisgrasya ito sa national road patungo sa Kalinga Provincial Capitol sa Capitol Hills, Tabuk City, Kalinga kaninang alas nuwebe ng umaga, Hunyo 9.

Sugatan si Rogelio Daguio, drayber ng van, nang maipit at mabali ang paa at iba pang bahagi ng katawan. dinala agad siya sa Kalinga Provincial Hospital.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, sumabog ang gulong sa harapan na kaliwang bahagi ng van at di na nakontrol ng drayber kaya sumalpok ito sa poste ng street lights.

Kasalukuyan pa ang follow-up investigation habang wala pang pahayag ang drayber.#