Ulat ni Vill Gideon Visaya
TUGUEGARAO CITY-Veggie flower bouquet, dagdag-kita ngayong Valentine’s Day sa Cagayan.
Bukod kasi sa friendly na sa kalusugan ang gulay, karagdagang kita pa ito ng mga magsasaka at ang mga gumagawang on-the-job trainees sa Department of Agriculture sa rehiyon partikular sa Lungsod ng Tuguegarao.
Alternatibo raw ito sa palasak na mga mamahaling bulaklak at mga tsokolate.
Hindi raw kasi kailangang gumastos ng malaki para mapasaya ang mga mahal sa buhay at mga kaibigan.
Swak na nga kasi sa badyet, makakain pa raw ito.
Nasa P400 hanggang isanlibong piso ang presyo ng veggie flower bouquets at handa na ang tanggapan ng DA sa buong rehiyon sa biglaang orders gaya noong nakaraang taon.#