Isang umano’y vice commander ng New People’s Army na kumikilos sa Cagayan Valley ang sumuko sa pulisya sa Barangay Dagupan, Lal-lo, Cagayan.
Ang sumuko ay kinilala lamang sa kanyang mga alyas bilang Ka Ranny/Arman/Bago/Peping/Kulot, ang Vice commander ng Kilusang Rebolusyonaryo Cagayan Valley-Komprob Cagayan (KRCV-KC) ng NPA sa ilalim ng Henry Abraham Command ay naitala bilang pang-apat sa pinakamataas sa ulat ng Periodic Status sa Watchlist ng Threat Groups (PSRTG) para sa 4th quarter ng 2024 at numero 1 regional most wanted person.
Nakita rin sa kanyang pagsuko ang cache ng war material tulad ng 95-piece 9mm dynamite, dalawang improvised explosive device (IED), tatlong CTG 40mm, isang IED hand grenade, isang IED, isang hand-held radio, isang grenade hand MK2 fragment, 29 na bala ng CTG caliber M-16 rifle, 100 rifle links, apat na M-14 rifle magazine, isang ammunition drum, dalawang bandolier, isang NDF flag, at isang K3 semi-automatic rifle, bukod sa mga personal na gamit.
Nauna nang kinasuhan si Ka Ranny/Arman ng robbery with arson, violation of Anti-terrorism Act, hiwalay na robbery at robbery with arson, murder, attempted murder at malicious mischief.
Siya ay inilagay sa ilalim ng kustodiya ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company habang hinihintay ang kanyang paglilipat sa nakasasakop na hukuman.#