(Photo Courtesy: CPIO/Francis Jorque)

Pinasinayaan at binasbasan ang bagong Visitors Pavilion ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa Kapitolyo ngayong araw, Setyembre-2. Mismong si Governor Manuel N. Mamba ang nanguna sa aktibidad kasama si Col. Darwin Sacramed, Provincial Administrator; Maria Rosario Mamba-Villaflor, Chief of Staff, mga consultants, department heads at ilang mga empleyado ng PGC sa pangunguna ng Provincial Tourism Office.

Ang bagong Visitors Pavilion sa loob ng Kapitolyo ay isa lamang sa mga pasilidad na naitayo sa iba’t ibang tourism sites ng PGC.

Kamakailan ay binuksan din ang bagong Visitors Pavilion sa Cagayan Animal Breeding Center and Agri-tourism Park sa Zitanga, Ballesteros. Ang pagpapasinaya ng Visitors Pavilion ngayong araw ay kasabay ng pagdiriwang ng World Tourism Day.