Photos by: Mel Kathrina Respicio

By Mel Kathrina Respicio, Contributor

Napawi ang pagod ng paghihintay ng mga taga suporta ng tambalang Robredo- Pangilinan matapos madalaw at dagdagan ng pinta ng dalawa ang mural painting na noon ay naging usap usapan dahil sa pag alis ng Comelec.

Sayawan at kantahan ang naganap sa harap mismo ng mural painting na ginawa ng mga volunteers kung saan nakapinta ang mga katagang “Liwanag sa Dilim” na ayon sa kanyang mga taga suporta ito ay simbolo ng kabataang gusto ng pagbabago.

Matatandaang naging mainit ang isyu tungkol sa ‘mural painting’ ng mga volunteers dahil sa pagtanggal ng comelec “Oplan Baklas” kahit ito ay nasa pribadong pagmamay-ari. Nagsagawa rin ang mga volunteers ng candle-lighting matapos ang pag bura sa painting.

Saktong 6:25 na ng hapon dumating ang tumatakbong presidente at ang kanyang katambal sa mismong nasabing lugar.#