Ipinatupad na ang EXECUTIVE ORDER No. 18 Series of 2022

Trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa Lungsod, suspendido na rin kaninang 3:00 PM

Sinuspinde na rin ng Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan kaninang 3:00 PM ngayong araw hanggang bukas, August 22-23, 2022 dahil sa banta ng bagyong Florita, kung saan nakataas na sa Tropical Cyclone Signal No. 2 ang Lungsod ng Tuguegarao.

Ayon kay Mayor Maila, mas mabuting mas maagang makauwi ang mga empleyado sa kanilang mga tirahan upang makapaghanda sa anumang maaring mangyari dulot ng patuloy na pag-ulan.