Bukas na ang mga pinto ng walong halfway houses na ipinatayo ng Northern Luzon Command (NOLCOM) para sa mga nagbalik-loob na mga dating rebelde sa hilagang Luzon.
Matatagpuan ang mga halfway house sa Bantay, Ilocos Sur; Laoag City, Ilocos Norte; Burgos, Pangasinan; Lallo, Cagayan; Cabaruguis, Quirino; Lagangilang, Abra; Bontoc, Mt. Province; at Tabuk City, Kalinga.
Ang mga nasabing bahay ay may kapasidad na maaring tuluyan ng 271 former rebels. Mayroon na ring amenities at mga muebles, at kompleto na rin sa kuryente at tubig.
Nasa 11 na halfway houses ang inaasahang maipatayo sa Northern Luzon kung saan ang tatlo pang natitira ay kasalukyan na rin ang konstrukyon nito.
Ayon kay AFP Northern Luzon Command Chief, Lieutenant General Arnulfo Marcelo B. Burgos Jr., ang halfway houses ay napapanahon dahil dumarami na rin ang nagbabalik-loob sa pamahalaan sa mga rebelde.
Pinasasalamatan rin niya ang mga Local Government Units na responsible sa para mapabilis ang construction ng mga halfway houses.
“The timely completion of the halfway houses is a welcome development in the government’s fight against the communist terrorists.
I commend the local government units and partner agencies responsible for the speedy completion of the projects, as it manifest their strong desire and unwavering commitment to end local communist armed conflict in their respective locality.”
Ang pagtatayo ng mga halfway houses ay bahagi ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) na magsisilbi ring lugar para sa livelihood training at psycho-socio debriefing ng mga former rebels.
Layunin din nito na mapagkalooban ng ligtas na temporary shelter ang mga former rebels at kanilang pamilya bago makabalik sa lipunan.
Samantala, sa report ng NOLCOM, nasa 602 former rebels mula sa Northern at Central Luzon ang nagbalik loob sa pamahalaan mula noong Enero -1 hanggang Setyembre -5 ngayong taon.
(Image courtesy: Northern Luzon Command, AFP)