By Niecel Joy Opolinto, Contributor
Nagmistulang concert at kulay rosas and naganap na grand rali ni VP Leni Robredo sa Echague, Isabela kahapon Marso 12, 2022 dahil sa mahigit walong libong katao na dumalo.
Bakas ang saya at suporta ng mga tao sa kanilang mga napupusuang kandidato mula sa pagka-Pangulo, Bise Pangulo at maging sa pagka-Senador. Karamihan sa mga dumalo ay ang mga kabataan na nanggaling pa sa iba’t ibang bayan ng Isabela at maging sa karatig probinsiya katulad ng Nueva Vizcaya, Ifugao, Kalinga, Quirino Province at Cagayan.
Ang mga taga suporta ay maaga pang gumayak para lamang sa aktibidad na ito, ang iba pa nga ay tanghali pa lamang ay naroon na sa venue katulad na lamang ng aming nakapanayam na grupo ni R-jay Andrade na alas dos palang ay naroon na sila, nagmula pa sa Delfin, Albano.
Hindi alintana sa kanila ang init ng panahon at sikip dahil sa dami ng tao makita lamang ang sinusuportahan nilang kandidato sabi pa nga niya “maaga po talaga akong pumunta dito para lamang makita ko ang aking manok sa pagka-pangulo na si Leni Robredoā€¯.
May mga libre ding pagkain na handog ng Kakampink para sa mga dumalo. #