Photos Courtesy: PNP PRO2

CAMP MARCELO A ADDURU, TUGUEGARAO CITY – Natimbog ang isang “wanted” na may patong-patong na kasong “Estafa” sa isinagawang manhunt operation ng kapulisan ng Tuguegarao at Regional Highway Patrol Unit 2 sa Purok 7, Barangay Maunong, Calamba, Laguna kamakailan.

Sa pakikipag-ugnayan ng PRO2 sa Calamba City Police Station, matagumpay na nadakip ng mga otoridad ang suspek na si Danilo Sabacan, 51 anyos, automechanic, high school graduate at kasalukuyang naninirahan sa nabanggit na probinsya.

Ayon sa ulat ng Tuguegarao City PNP, si Sabacan ay Top 5 Most Wanted sa lungsod na mayroong tatlong Warrant of Arrest na ipinalabas noong 2015, 2016 at 2017.

Ang mga kasong kinasasangkutan na suspek ay 3 counts of Violation of BP 22 o Bouncing Check Law na may piyansang limang libong piso; 2 counts of Estafa na may bail na Php60,000 at isa pang hiwalay na kaso ng Estafa na may kaukulang piyansa na Php80,000.

Ang suspek ay nakapiit na ngayon sa Cagayan Provincial Jail.(PNP PRO2 PR)