Arestado ang isang welder matapos itong mahulihan ng iligal na droga at hindi lisensyadong baril sa isinagawang operation sa Brgy. District IV, Tumauini, Isabela.
Kinilala ang suspek na si alyas “Michael”, na napasakamay ng mga otoridad sa pinagsanib na pwersa ng Tumauini Police Station (Lead Unit), Provincial Intelligence Unit – Isabela PPO, at PDEA RO II – Isabela.
Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang (2) heat-sealed plastic sachet na may hinihinalang shabu dalawang (2) lighter na may improvised tooter (foil), at isang (1) improvised tooter.
Mahaharap ang suspek na ngayon ay nasa kustodiya Tumauini Police Station, sa kasong may paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.#