Makakatanggap ng tig-P5,000 na tulong pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Region 02 ang 251 na pamilya sa isla ng Calayan na naapektuhan dahil sa bagyong “KIKO”.
Ito’y sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in crisis situations (AICS) ng DSWD Region 2 kung saan ang pondo ay mula sa Office of the President sa pamamagitan ng inisyatibo ni Sen. Bong Go.
Mula sa nasabing bilang ng mga benipisaryo, una nang nakatanggap ang 20 pamilya ng nasabing tulong matapos ang isinagawang validation ng mga social workers sa lugar.
May kabuuang P100,000 ang naipamahagi ng naturang ahensya sa mga nasabing pamilya.
Ang natitira namang 231 na benipisaryo ay nakatakdang mabibigayn ng cash assistance ngayong linggo sa ilalim ng Climate Change Adaptation and Mitigation (CCAM) Program at Social Pension Program pay-outs.
Naging katuwang ng DSWD-Region 2 sa pangunguna ni Regional Director Joel Espejo sa naturang aktibidad sina Provincial Administrator Darwin Sacramed na siya head ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Office of Civil Defence (OCD)Regional Director Harold Cabreros.
Una ring nagsagawa ang grupo ng aerial visit sa isla para makita ang iniwang pinsala ng bagyong “kiko” kung saan batay sa pinakahuling datos ng Cagayan-PDRRMO umaabot na sa P31,673,721 ang halaga nang iniwang pinsala ng bagyo sa mga ari-arian ng mga residente sa isla.(Courtesy:CPIO)