(Nailathala sa BALITANG HILAGA, May 10 – 16, 2025 print edition)

SINISIRAAN si Police Major General Nicolas Deloso Torre III ng kanyang mga kaaway na nagalit sa kanyang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte batay sa warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC) para sa mga umano’y krimen laban sa sangkatauhan noong Marso 2025.

Gayunpaman, ang 55-taong-gulang na direktor ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay nananatiling hindi nababagabag at patuloy na nagsasabi na ginagawa lang niya ang kanyang trabaho.

Habang papalapit ang karera ng mga pambato para sa susunod na Pambansang Pulisya ng Pilipinas, mataas ang alagwa ng pangalan ni Torre.

Isang Filipino police major general na nagtapos sa Philippine National Police Academy (PNPA) sa ilalim ng Class 1993, si Torre ay ipinanganak noong Marso 11, 1970 sa Jolo, Sulu nguni’t ang kanyang mga ninuno ay mga Ilokano.

Naglingkod siya bilang police director sa Samar province, Quezon City, at Davao Region sa iba’t ibang taon. Minsan din niyang pinamunuan ang mga pagtatangka ng pulisya na magsilbi ng warrant of arrest laban kay Pastor Apollo Quiboloy, tagapagtatag at pinuno ng Kingdom of Jesus Christ church, na kinasuhan ng human trafficking.

Ang pagtulak para sa mga reporma, pagbabago, at pagpapabuti ng pulisya ay ang kanyang mga misyon. Minsan ay pinamunuan niya ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Metro Manila bilang regional director for operations noong Enero 2019.

Na-assign siya bilang hepe ng Quezon City Police District (QCPD) noong Agosto 12, 2022. Itinalaga rin siyang direktor ng PNP Headquarters’ Communications and Electronics Service (CES).

Pagkatapos noong Hunyo 16, 2024, siya ay na-reassign bilang Police Regional Office-PRO (Regional Office) sa Davao bilang direktor. Ang pag-aresto kay Duterte ay nakakabit na kay Torre.

Gayunpaman, ipinapataw lamang niya ang panuntunan ng batas.

Para sa paninindigan sa kanyang mga mithiin, si Torre III ang magiging pangunahing pili sa pagkapinuno ng pulisya sa buong bansa.#