Home Lifestyle Landingan Viewpoint, Nagtipunan, Quirino

Landingan Viewpoint, Nagtipunan, Quirino

0
LANDINGAN VIEWPOINT
Nature's Best. Enjoy the beauty of nature at Landingan Viewpoint, Nagtipunan, Quirino. (Photo by Villamor Visaya Jr.)

Tila “Great Wall of China” ang dating ng kapaligiran sa paakyat na bahagi ng Landingan Viewpoint sa Nagtipunan, Quirino.

Bagaman at swak ito sa mga turista, pansamantalang sarado muna ito maliban sa mga lokal na mamamayan dahil sa banta ng pandemya.

Kung dati ay maraming mga bulaklak ang namumulaklak sa lugar, mga nakatanim na gulay muna ang maraming makikita sa lugar pero patok pa rin sa ganda ng tanawin. May mga bulaklak pa rin naman na “in” na “in” sa mata ng mga bumibisita sa lugar.

Gayunman, umaasa ang pamahalaang-lokal na mabubuksan muli ito para maging isa sa mga pangunahing pook-pasyalan muli sa lalawigan ng Quirino. (Balitang Hilaga News Team)

Balitang Hilaga
Exit mobile version