Home News MGA TANGGAPAN NG DSWD SA REHIYON DOS, DINAGSA NG NASA 12K NA...

MGA TANGGAPAN NG DSWD SA REHIYON DOS, DINAGSA NG NASA 12K NA KATAO DAHIL SA EDUCATION ASSISTANCE PAY-OUT

0

Tinatayang nasa 12,000 na katao sa mga probinsya ng Cagayan, Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya ang dumagsa sa mga tanggapan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD F02, para sa Educational Assistance pay-out sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis (AICS) ngayong araw ng Sabado, Agosto-20.

Nasa 2,000 na indibiduwal ang pumunta sa mismong DSWD FO2 sa Tuguegarao; 5,000 sa Ilagan City sa Isabela; 3,000 sa Cabarroguis, Quirino; at 2,000 sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa nasabing bilang, sinabi ng DSWD na inaasahang mga 4,000 dito ang mapagsisilbihan ngayong araw at mabibigyan ng financial assistance.

Nag-anunsiyo rin ang ahensiya ng cut-off kaninang 7:00 ng umaga dahil sa pagdagsa ng mga umaasang makakuha ng educational assistance.

Ang AICS Education Assistance ay programa ng Kagawaran para magbigay ng tulong sa mga Student-in-Crisis na maaari nilang magamit sa kanilang mga pangangailangan sa pag-aaral tulad ng mga school fees, school supplies, projects, allowance, at iba pang mga bayarin.

Source: DSWD R02

Balitang Hilaga
Exit mobile version