Home News 44 bricks ng marijuana, natambad mula sa bus

44 bricks ng marijuana, natambad mula sa bus

0
(Photo courtesy:PNP-Region 3)

Natambad sa kapulisan sa Mabalacat City, Pampanga ang 44 bricks ng marijuana na nakalagay sa loob ng kargamento na ipinadala sa isang pampasaherong bus.

Sa ulat ng pulisya, ipinadala sa Victory Liner ang dalawang sako na sinasabing may laman na mga saging mula pa sa Tabuk City sa Kalinga.

Nakalas umano ang tali ng isang sako kaya nahulog ang mga saging at dito na nakita ang mga bricks ng marijuana.

Agad namang nakipag ugnayan sa Mabalacat City PNP ang mga taga Victory Liner, kung kaya’t agad ring naaresto ang tatlong katao na noon ay nag-claim sa naturang padala.

(Courtesy:PNP-Region 3/ PNP Mabalacat City, Pampanga)

Balitang Hilaga
Exit mobile version