Home News Riding in tandem suspek sa kasong murder, huli sa Quirino, Isabela

Riding in tandem suspek sa kasong murder, huli sa Quirino, Isabela

0
Ang suspek na si Joel Miguel y Yatar.(Photo courtesy:PNP Region 2)

CAMP MARCELO ADDURU, Tuguegarao City – Tuluyan nang naipasakamay sa Bureau of Jail Management and Penology sa Roxas, Isabela ang suspek na may kasong Murder na kabilang Top 6 Most Wanted ng Rehiyong Dos kahapon.

Kinilala ang suspek na si Joel Miguel, 41 anyos at residente ng Barangay San Vicente, Quirino, Isabela ay naaresto ng mga kapulisan ng Quirino Police Station sa bukirin kung saan sya kasalukuyan nakatira sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Acting Presiding Judge Randy B Bulwayan ng RTC Branch 23, Roxas, Isabela

Ayon sa ulat ng Roxas PNP, nangyari ang pagpatay noong April 1, 2021 nang pagbabarilin ng suspek ang biktima pagbaba ng sinasakyan nilang tricycle sa harap ng kanilang bahay kasama ang kanyang asawa na naging sanhi ng pagkamatay ng biktimang si Nenita De Luna, 59 anyos na guro at residente ng Munoz East, Roxas, Isabela. May personal na alitan umano ang biktima at suspek.

Samantala, patuloy parin ang pagtugis ng PNP Roxas sa di pa nakikilalang suspek na kasama ni Miguel nang mangyari ang nasabing insidente.

Dinala na kahapon ang suspek sa BJMP Roxas, Isabela ng mga kapulisan ng Quirino Police Station  na nahaharap sa kasong Murder at walang inirekomendang piyansa ng korte para sa pansalamantalang paglaya ng suspek.(PNP-Region 2 press release)

Balitang Hilaga
Exit mobile version